KINUMPLETO ng Ateneo de Manila ang makasaysayang season sweep sa madamdaming come-from-behind, 18-25, 25-16, 20-25, 25-18, 15-13, panalo kontra National University para makopo ang UAAP Season 79 men’s volleyball title kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa kabila ng malamyang simula, mas naging agresibo ang Blue Eagles sa sumunod na set para tuldukan ang makasaysayang 16-game season sweep at panatilihin ang dominasyon sa mahigpit na karibal na Bulldogs.

Sa kabuuan, naitala ng Blue Eagles ang 30- sunod na panalo mula noong nakaraang season at ika-10 sunod ding panalo nila kontra Bulldogs mula noong Season 77.

Sa pamumuno ni four-time Most Valuable Player Marck Espejo binigyan ng Blue Eagles ng magandang pabaon sa pagtatapos ng kanilang playing years sina Rex Intal at Josh Villanueva..

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naiiwan, 1-2 matapos ang tatlong sets, agad nilayuan ng Ateneo ang NU sa fourth frame upang makahirit ng decider at makabig ang momentum.

Nakauna pa ang Bulldogs sa bungad ng fifth set, 4-1,ngunit hinabol ng Blue Eagles at itinabla ang laban sa 8-all bago tuluyang inagaw ang kalamangan, 11-9 kasunod ng back-to-back block. (Marivic Awitan)