TASHKENT, Uzbekistan – Kinapos ang kampanya nina Rio Olympian Rogen Ladon at Dannel Maamo nang magtamo ng kabiguan sa semi-final ng ASBC Asian Elite Men’s Championships nitong Biyernes.

Maagang nadomina ni Ladon ang karibal, ngunit nakabawi ang No.3 seeded na si Gan-Erdene Gankhuyag ng Mongolia para maisuko ang laban sa 2-3.

Hindi naman nagpahuli ang pambato ng Cagayan de Oro sa flyweight class, ngunit mas naging agresibo ang karibal na Korean sa final round para masilat sa 4-2.

Sa kabila ng kabiguan, naiuwi ng dalawa ang bronze medal at nakasungkit ng slot sa World Championships na gaganapin sa Hamburg, Germany sa Agosto.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tatangkain ni Eumir Felix Marcial, natalo sa quarterfinal match kontra hometown boy Israil Madrimov, na makakuha rin ng tiket sa Hamburg event sa kanyang pagsabak sa box-off sa linggo kontra Syrian Abdul Mouen Azziz.