TASHKENT, Uzbekistan – Pinanatili ni Dannel Maamo ng Cagayan de Oro City ang bangis at katatagan para magwagayway ang bandila ng bansa nitong Miyerkules sa ultra-modern Uzbekistan ASBC Asian Elite Championship dito.

Itinataguyod ni CdO Mayor Oscar Moreno, ang pagsabak ng atletang Pinoy sa torneo ay bahagi ng paghahanda para sa malaking hamon na naghihintay naman ng ‘second coming’.

Naging pambawi rin ang panalo sa natamong kabiguan ng dalawa niyang kasangga.

Naungusan si James Palicte, ang number 2 seed ni Elnur Abduraimov ng Uzbekistan via unanimous decision.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi rin pinalad si welterweightJoel Bacho kontra ng Iranian, Sajjad at Kazemzadeposhtir.

Nagawang makontrol ni Maamo ang kalaban sa 52 kilogram flyweight division, laban kay Chinese boxer Chang Yong.

Itinigil ni referee Farhad Sadeghpour ng Iran ang laban nang hindi maampat ang dugo buhat sa pumutok niyang kilay.

Ibinatay ang desisyon sa score card kung kaya’t tapik sa balikat ng Pinoy boxers ang kaganapan.

Nakatakda ang quarterfinal round sa Miyerkules kung saan walo sa orihinal na 28 kalahok ang maglalaban-laban.

Sasabak si 2016 Olympian Rogen Ladon kontra Hussein Al Maori ng Syria, habang masusubok si Eumir Felix Marcial kontra Irail Madrimov ng Uzbekistan at sasagupain ni Maamo si Sri Lankan Seneviratne Bandara.

Ang matatalo sa quarters ay maghaharap sa box-off para mapili ang dalawa sa walong slots sa World Championships in Hamburg, Germany sa Agosto.

Lumakas ang tsansa ng Pinoy nang mabigo ang Thai boxers na makausad sa lahat ng nilahukang division.