MULA sa pagiging best blocker hanggang sa pagiging all-around player.

Matapos ang isang season, nagbunga ang matiyagang ensayo at paghahanda ni Mary Joy Baron ng La Salle University.

Tinanghal na Most Valuable Player (MVP) ang 6-foot-1 na si MJ para sa UAAP Season 79 women’s volleyball.

Pinarangalan bilang Best Blocker noong nakaraang season, nakatakdang igawad kay Baron ang pinakamataas na individual award sa isang simpleng awards rites na gaganapin bago ang Game Two ng kanilang finals series laban sa Ateneo sa Sabado (Mayo 6) sa Araneta Coliseum.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naungusan ni Baron para sa nasabing karangalan ang nauna nang idineklarang pinakamahusay na manlalaro sa collegiate rank na si Jaja Santiago ng National University, Bernadeth Pons ng Far Eastern University at ang kasanga na si Kim Lianna.

Bilang konsolasyon matapos ang kabiguang pamunuan ang Lady Bulldogs na umabot ng Final Four, humakot si Santiago ng tatlong awards na kinabibilangan ng Best Scorer, Best Spiker at Best Blocker.

Napili naman sa ikalawang sunod na taon ang graduating playmaker ng Lady Spikers na si Kim Fajardo bilang Best Setter bukod pa sa pagiging Best Server.

Gaya ni Fajardo, nagwagi rin sa ikalawang sunod na taon si La Salle libero Dawn Macandili bilang Best Receiver habang napunta naman sa kapwa nya Liberian ng University of the East na si Kath Arado ang karangalan bilang Best Digger.

Tinanghal namang Top Rookie ng taon ang Ateneo hitter na si Jules Samonte.

Sa men’s division, nakamit naman ni Ateneo ace spiker Marck Espejo ang record fourth straight MVP matapos pamunuan ang defending champion Blue Eagles sa pagwawalis ng eliminations.

Bukod sa MVP award, si Espejo din ang tinanghal na Best Spiker at Best Scorer.

Nakopo naman ng kanyang teammate na si Chumason Njigha ang parangal bilang Rookie of the Year.

Nagtala rin ng record na 4th straight Best Setter award ang Blue Eagles playmaker na si Ish Polvorosa.

Ang iba pang mga individual awardees ay sina Ricky Marcos at Bryan Bagunas ng National University na napiling Best Digger at Best Server ayon sa pagkakasunod, at sina John Paul Bugaoan at Rikko Marketo ng Far Eastern University bilang Best Blocker at Best Receiver. (Marivic Awitan)