Kinontra ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang balak ng minorya na payagang makasali sa botohan ng Senado ang nakakulong na si Senator Leila de Lima.

Ayon kay Sotto, walang balak ang mayorya na suportahan ang plano ng minorya na maghain ng petisyon sa korte para payagang makalahok si De Lima sa botohan sa Senado.

Idiniin ni Sotto na mali ang hakbang ng minorya dahil kontra naman sila noong may ganitong panukala para mapadalo si dating senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong pandarambong. - Leonel M. Abasola

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'