Maga Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

12 n.t. -- ADMU vs NU (Men Finals)

4 n.h. -- ADMU vs DLSU (Women Finals)

Ni Marivic Awitan

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

La Salle's Kim Dy attacks against Kat Tolentino during the UAAP Volleyball Round 2 match at Smart Araneta Coliseum, April 8, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)SISIMULAN ng archrivals Ateneo at defending champion La Salle ang pinakahihintay na duwelo para sa UAAP Season 79 women’s volleyball championship series sa Araneta Coliseum.

Ganap na 4:00 ng hapon ang Game 1 ng best of three series pagkaraan ng tapatan ng reigning back-to-back champion Ateneo at National University ganap na 12:00 ng tanghali para sa men’s finals.

Ito ang ikaanim na sunod na taon na magtutuos ang Lady Eagles at ang Lady Spikers sa finals ng pamosong collegiate league sa bansa.

Sa men’s division,galing sa halos isang buwang pagkabakante, ngayon lamang ulit sasabak sa laro ang Blue Eagles kasunod ng naitala nilang double-round elimination sweep kontra Bulldogs.

Sa nakaraang head-to-head sa eliminations, dalawang beses ginapi ng Lady Eagles ang Lady Spikers, 24-26, 24-26, 25-21, 17-25, sa first round, at 12-25, 25-20, 25-21, 25-19, sa second round.

Malaking bagay para sa Ateneo ang kanilang balanseng opensa sa pamamagitan ng kanilang team skipper at setter na si Jia Morado.

“I think mas better this year kasi distributed ang bola when it comes to setting,” pahayag ng beteranong spiker ng Lady Eagles na si Michelle Morente. “Si Jia, nadi-distribute niya.”

Si Morente na siyang namuno sa Lady Eagles sa nakaraang dalawang panalo sa Lady Spikers ay inaasahang susuportahan nina starters Jho Maraguinot, Bea de Leon at Kat Tolentino,kasama sina Maddie Madayag, Kim Gequillana at Ana Gopico.

Ang bentahe naman ng tropa ni coach Ramil De Jesus sa tropa ni coach Tai Bundit ay ang kanilang blocking sa pangunguna nina Majoy Baron at rookie Aduke Ogunsanya bukod pa sa kanilang setter na si Kim Fajardo at sa masipag nilang libero na si Dawn Macandili.

“Nai-inspire ‘yung team pag nakikita na halos nagpapakamatay na siya sa bola,” ani De Jesus patungkol kay Macandili.

Bukod sa mga naunang nabanggit, sasandigan din ng Lady Spikers sina last season Finals MVP Kim Dy, Desiree Cheng at Tin Tiamzon.

Samantala, muling pamumunuan ni reigning 3-time MVP Marck Espejo ang Blue Eagles para sa target nilang ikatlong sunod na titulo sa pagsagupa nila sa Bulldogs sa ika-4 na sunod na taon.