Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang punong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Police Supt. Emerey Abating, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong 4:15 ng madaling araw nang pagbabarilin ang DoLE main building na matatagpuan sa Muralla Drive, kanto ng Gen. Luna Street.

Sa salaysay ni Ruel Artezuela, security guard ng DoLE, kay PO3 Ferdinand Leyva, may hawak ng kaso, naka-duty siya noong oras na iyon nang biglang paulanan ng bala ang pintuan ng tanggapan.

Upang hindi tamaan, agad umanong dumapa si Artezuela hanggang sa tuluyang tumahimik ang paligid. At nang matiyak na umalis na ang mga suspek ay ipinaalam ni Artezuela sa kanyang kasamahan ang nangyari, gayundin sa Intramuros Police Community Precinct (PCP).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Base sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre na may walong tama ng bala ang pintuan ng tanggapan at narekober ang walong basyo ng bala ng kalibre .9mm baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (MARY ANN SANTIAGO)