HINIMOK ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William "Butch" Ramirez ang kabuuang 50 regional at program sports coordinator ng Philippine Sports Institute (PSI) na palawakin ang kaalaman para maayudahan ang pamahalaan sa hangaring patatagin ang grassroots sports program sa bansa.

Butch Ramirez
Butch Ramirez
Nakiisa si Ramirez sa isinagawang dalawang araw na coordinators' meeting kamakailan sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Iginiit ni Ramirez na hindi biro ang responsibildad at gawain sa PSI dahil nakabatay dito ang kampanya ng Pangulong Rodrigo R. Duterte na maihatid ang programa sa mga kabataan sa buong bansa.

"We will focus on grassroots sports. For the first time in 27 years, the PSC will now have a genuine grassroots sports program. Go out of the box, be imaginative. Make yourself a person of legacy. Bahagi ka sa istorya ng Philippine sports," pahayag ni Ramirez.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hinikayat din ni Ramirez ang mga kalahok na yakapin ang panuntunan ng isang tunay na lider na may pagpapakumbaba, integridad, disiplina, at commitment.

Aniya, kailangan ding pagtibayin ng mga coordinator ang ugnayan sa mga local na pamahalaan, at iba pang stakeholder para maisulong ang programa na walang maiiwan sa laylayan.

"In creating a vibrant and healthy citizens as stipulated in R.A. 6847, we need to implement programs in the grassroots level and these need need not be expensive. We can have sports programs and make use of the streets or parks or shorelines or rivers in making sports available for children, adults and seniors," aniya.

Hindi man makamit ang minimithing gintong medalya sa Olympics sa kasalukuyan, at paglikha ng matibay na pundasyon sa sports para sa atletang Pinoy ay maituturin nang tagumpay.

Sa kabila nito, kinatigan ni Ramirez ang pananaw ng PSC Board na hindi pababayaan ang elite sports, gayundin ang paghahanda sa SEA Games, Asian Games, Olympics at iba pang international competition.

"This is the highway we're taking in Philippine sports. What we're doing is for the children and the motherland. We can all be a part of this historical journey of Philippine sports and together leave a legacy we can all be proud of,” aniya.

Nagbigay din ng kanilang mga pananaw at komento sa programa sina PSC Commissioners Charles Raymond A. Maxey, Ramon Fernandez, Celia Kiram at Arnold Agustin, gayundin si PSI national training director Marc Edward Velasco.