ASEAN 2017 Opening

Magiging “much more valuable and stronger” ang relasyon sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at international partners kung mayroong mutual respect of sovereignty at non-interference of internal affairs, ipinahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinimulan ng Pangulo ang regional summit sa panawagan sa hindi lamang para sa ASEAN, kundi maging sa United States, European Union at iba pang dialogue partner na huwag makialam sa regional bloc.

“Relations bear fruit when they are based on mutual respect and benefit,” pahayag ng Pangulo sa kanyang opening remarks sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Human-Interest

'National Rally for Peace,' extra income para sa ilang street vendors sa Maynila

Ipinagdiinan ni Duterte ang paninindigan ng ASEAN sa respeto, integridad at hindi panghihimasok habang inihahalimbawa ang mga nakatakdang makamit sa pagkakaisa ng mga dialogue partner.

Sinabi ng Pangulo na ipagdiriwang ng ASEAN ang 40th dialogue relation anniversary sa Canada, European Union at United States, at 25th anniversary sa India, at 20th anniversary ng ASEAN Plus Three (Japan, China at South Korea).

“These are relations that are valued but they can be much more valuable and stronger if we learn to respect each other’s independence and treat each other as sovereign equals,” ayon sa Pangulo.

Sa nasabi ring talumpati, ipinanawagan ng Pangulo ang mapayapang resolusyon sa pag-aagawan at pagrespeto sa rule of law.

“Relations also remain solid if all stakeholders learn to respect and value the peaceful resolution of disputes,” sabi ng Pangulo.

TAOS-PUSONG PASASALAMAT

Nagpahayag ng pasasalamat ang Pilipinas sa mga kalapit bansa sa Southeast Asia sa walang-sawang pagtulong sa tuwing binabayo ng kalamidad ang bansa at nangakong susuklian ang mga ito.

“The Philippines will never forget the timely assistance from fellow ASEAN countries,” sambit ng Pangulo.

“During our time of greatest need, you were there. We are eternally grateful. Today, I say the Philippines will do its own part to help those who are in need in our region and beyond,” aniya.

KOOPERASYON PARA SA ‘DRUG-FREE’ ASEAN

Isinusulong ni Duterte ang mas matibay na reginal cooperation upang makamit ang “drug-free” ASEAN.

“We must also be resolute in realizing a drug-free ASEAN,” ani Duterte. “The scourge of illegal drugs threatens our gains in community-building. I have seen how illegal drugs have ended the hopes, dreams, future and even lives of countless people, especially the youth,” dagdag niya.

.

100 RALIYISTA, BIGONG UMEKSENA

Bigo ang nasa 100 miyembro ng Kilusan Para sa Pambansang Demokrasiya (KPPD) na makalapit sa PICC sa kasagsagan ng ASEAN Summit, matapos harangin at itaboy ng Anti-Riot police sa Manila Zoo, sa Malate, Maynila kahapon.

Ayon sa Manila Police District-District Tactics Operation Centers, dakong 10:00 ng umaga nang magtipun-tipon ang mga miyembro ng KPPD sa Taft Avenue at nagmartsa sa Quirino Avenue at tinangkang lumusot sa Roxas Boulevard patungo sa PICC.

Gayunman, hindi sila pinaporma ng mga pulis at pagsapit sa Manila Zoo ay agad na silang hinarang.

KADAMAY NAG-RALLY SA QC MEMORIAL CIRCLE

Nag-rally kahapon sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City ang libu-libong miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) upang ipadama sa pamahalaan ang tumitinding problema sa pabahay para sa mahihirap.

Sinabi ng grupo na panahon na upang pagtuunan ng pansin ni Pangulong Duterte ang napapabayaang kalagayan ng mahihirap. (May ulat nina Mary Ann Santiago at Rommel P. Tabbad) (GENALYN D. KABILING at BETH CAMIA)