TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Hindi pa tukoy ng pulisya ang responsable sa pagpatay sa isang konsehal sa Maguindanao na pinagbabaril sa isang kasalan sa Purok Salvacio, Barangay Calean sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa ospital si Norhasim Malaguia Ulangkaya, 28, may asawa, konsehal sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao; habang nabaril naman sa kanang hita si Norma Dalatin Karatuan, 52, ng Bgy. Bulig Dalagdagan, Mangudadatu, Maguindanao.

Ayon sa pagsisiyasat ng Tacurong City Police, nagpanggap na panauhin sa kasalan ang mga suspek, na nang makita si Ulangkaya ay pinagbabaril gamit ang .45 caliber pistol bago tumakas.

Hindi pa umano malaman ang motibo ng krimen, at sinisilip pa ang anggulong may kaugnayan sa pulitika o away sa babae.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

(Leo P. Diaz)