NAPATAAS ang mga kamay at napasigaw sa kasiyahan si British boxer Anthony Joshua, habang inaaawat ng referee, matapos mapabagsak ang karibal na si Ukrainian Wladimir Klitschko para makamit ang bakanteng WBA Super World at IBO heavyweight title nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Wembley Stadium, London. (AP)

LONDON (AP) — Hindi nagkamali si Anthony Joshua nang kanyang itaas ang mga kamay nang mapabagsak sa first round si Wladimir Klitschko. Napaaga lamang ang kanyang pagdiriwang.

Bunsod nang pagkakamali, nakabawi at nakabalik sa wisyo si Klitschko na kaagad namang nakipagsabayan, ngunit sumuko din kalaunan sa ika-11 round.

Isang solid na uppercut ang pinakawalan ni Joshua dahilan para tuluyang bumaligtad ang karibal at makamit ang tagumpay ng tinaguriang ‘promising heavyweight fighter’.

"When you go to the trenches, that's when you find out who you really are,"sambit ni Joshua. n this small little ring here, there's nowhere to hide."

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Itinututing ‘biggest heavyweight title fight’ ang fight card ay nagtatampok sa mga fighter na may mas mababang kontribusyon.

"As I said from the get-go, it will be a boxing classic and the best man will win," aniya.