Game 7, naipuwersa ng Clippers; Wizards at Celtics, umabante.
CHICAGO (AP) — Kinumpleto ng Boston Celtics ang dominasyon sa Bulls sa impresibong 105-83 panalo para tapusin ang kanilang best-of-seven Eastern Conference first round playoff sa 4-2 nitong Biyernes (Sabado sa Mabnila).
Kumubra si Avery Bradley ng 23 puntos para sandigan ang ikaapat na sunod na panalo ng Boston at makausad sa semifinals sa unang pagkakataon mula noong 2012.
Nalagay sa alanganin ang kampanya ng top-seeded Celtics matapos mabigo sa unang dalawang laro. Ngunit, nakabawi ang Celtics, higit ang nagluluksang si Isaiah Thomas para walisin ang sumunod na apat na laro.
Makakaharap ng Celtics ang Washington Wizards sa conference semifinals sa Game 1 sa Linggo (Lunes sa Manila).
Nag-ambag si Gerald Green ng 16 puntos, habang tumipa si Thomas ng 12 puntos. Kaagad na tumulak patungong Washington si Thomas para makadalo sa libing ng nakababatang kapatid na si Chyna na pumanaw matapos maaksidente.
Nanguna si Jimmy Butler sa Chicago sa naiskor na 23 puntos.
WIZARDS 115, HAWKS 99
Sa Atlanta, hataw sina John Wall sa nakopong 42 puntos at tumipa si Bradley Beal ng 31 puntos para sandigan ang Washington Wizards sa matikas na ratsada ng Hawks sa final period para tuldukan ang playoff series sa 4-2.
Naghabol ang Hawks sa 22 puntos na bentahe sa third quarter at nagawang maidikit sa isang puntos ang kalamangan ng Wizards, ngunit banderang-kapos ang Atlanta sa krusyal na mintis at turnover.
Ratsada si Wall sa naiskor na 19 puntos sa fourth period para maisalba ang pagbangon ng Hawks para sa panalo.
Makakalaban ng Wizards sa Eastern Conference semifinals ang top-seeded Bostons Celtics, umabante nang biguin ang Bulls, 105-83, sa Game 6 para sa 4-2 bentahe.
Nagsalansan ni Paul Millsap ng 31 puntos Para sa Hawks.
CLIPPERS 98, JAZZ 93
Sa Salt Lake City, ginapi ng Los Angeles Lakers, sa pangunguna ni Chris Paul na may 29 puntos, ang Utah Jazz para maipuwersa ang sudden death Game 7 ng kanilang West first-round series.
Host ang Clippers sa nagiisang do-or-die game sa first round nitong Linggo (Lunes sa Manila). Ang magwawagi sa duwelo ay makakaharap nang nakapagpahingang Golden State Warriors simula sa Lunes (Martes sa Manila).