SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Dalawang kawani ng lokal na pamahalaan ng Science City of Muñoz (SCM) ang inaresto sa drug operation na ikinasa ng pulisya sa Barangay Poblacion West at East sa siyudad.

Pinangunahan ni Senior Insp. Arnaldo S. Mendoza, team leader, sa ilalim ng superbisyon ni Supt. Salvador Destura, Jr., hepe ng SCM Police, ang pagdakip kay Evnes Dawang y Guevarra, 41, may asawa, kawani ng munisipyo at residente ng Bgy. Poblacion West, makaraang makipagtransaksiyon ang huli sa poseur buyer at makumpiskahan ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at marked money dakong 1:30 ng hapon nitong Abril 25.

Dinampot din ng mga pulis at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 si Cardigan Parcasio y Bernardo, 46, kawani rin ng municipal hall, at taga-Bgy. Poblacion East, na nasamsaman din ng hinihinalang droga at drug money bandang 2:00 ng hapon. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog