zoe copy

MASAYA ang aktres na si Zoe Saldana na ipinahayag na sa wakas ang release dates ng matagal nang inaabangang sequels sa 2009 box office smash hit na Avatar at nagbirong ayaw niyang masyado na siyang matanda para gawin ang kanyang mga stunt sa adventure fantasy.

Nitong weekend, nagpaskil ang official Avatar Facebook page ng litrato ng director na si James Cameron kasama ang production team na may caption na: “Great to be working with the best team in the business! Avatar takes flight as we begin concurrent production on four sequels.”

Nakausap ng Reuters si Zoe sa London premiere ng Guardians of the Galaxy Vol. 2 nitong Lunes ng gabi, at sinabing natutuwa siya sa announcement.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I’m happy that it’s finally here because...I don’t want to get too old and shoot it because I won’t be able to do my stunts,” sabi ng 38-anyos na aktres, na gumanap bilang Neytiri. “If I haven’t warmed up, I can’t do a stunt to save my life.”

Naganap sa taong 2154 sa magical moon na Pandora at hitik sa visual effects, ang Avatar, pinagbibidahan din nina Sam Worthington at Sigourney Weaver, ay tumabo ng $2.8 billion sa box office sa buong mundo, at sinira ang maraming record.

Unang plinano ang sequel para ipalabas sa 2014 ngunit ito ay naantala. (Reuters)