NEIL AT ANGEL LANG_please crop copy copy

NANINIWALA si Bela Padilla na sa boyfriend/girlfriend relationship mauuwi ang samahan ni Angel Locsin at ng ex-boyfriend niyang si Neil Arce dahil matagal ng magkaibigan ang dalawa.

Sa guesting ni Bela sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Martes, tinanong siya ng diretso ni Kuya Boy kung naniniwala siyang may relasyon na sina Angel at Neil.

“If they aren’t they will be, they have a very good foundation,” sagot ni Bela. “I see both of them really, really compatible.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sabay tanong kung ano naman ang real score nila Zanjoe Marudo, “We’re texting, not going out na kaming dalawa lang.

I’m entertaining all the possibilities and I would say Zanjoe is a big help in my life right now.”

Sa madaling sabi, nag-level up na ang parating isinasagot ni Bela kapag nai-interview siya ng reporters at tinanong kung ‘sila na’ ng leading man niya sa My Dear Heart na, “We’re friends, but not close. I see Zanjoe as a co-worker.

Let’s see if the show ends, kung same pa rin ang relasyon namin.”

Pero sa ngayon, ang prioridad daw ni Bela ay magtrabaho at kumita dahil kailangan niya.

Samantala, sa fast talk ay mas pinili ni Bela ang love kaysa luck, pero between love and money ay mas pinili niya ang huli.