FLORIDA – Naitala ni Pinay golfer Princess Superal ang matikas na laro sa final round para makisosyo sa ikalawang puwesto sa Sara Bay Classic nitong Linggo sa Sarasota, Florida.

Tumipa ang dating Philippine Ladies Open champion at US girls amateur winner ng 72, tampok ang dalawang birdie para sa impresibong kampanya sa Symetra Tour event sa Sara Bay Country Club.

Tumapos siya sa kabuuang iskor na 216, dalawang stroke ang layo sa nagwaging si Hannah Green ng Australia, tumapos ng 73.

Napagwagihan ng 20-anyos na si Superal ang premyong US$8,975 (P440,000).

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nakasosyo niya si Benyapa Niphatsophon na umiskor ng final round 77.

Isa pang Pinay na si Clariss Guce ang sumosyo sa ika-23 puwesto tangan ang 223 matapos ang final round 71, habang si Mia Piccio ay kumana ng 74 para sa 224 total.