VILMA copy

SUNUD-SUNOD ang panalo ni Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto bilang Best Actress para sa performance niya sa pelikulang Everything About Her.

Ang latest na nagbigay sa kanya ng karangalan ay ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Banggit ni Ate Vi sa amin, napakasaya niya na kahit miminsan lang siya gumawa ng pelikula ay hindi lang ito kumikita nang husto sa takilya kundi halos lahat ng award-giving bodies pinupuri ang kanyang acting.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Inspired na inspired siya sa ibinibigay na pagpapahalaga ng mga kritiko sa kanyang pagganap kaya baka may maisingit siyang isang pelikula bago magtapos ang taon o early next year. Pero ayaw banggitin sa amin ni Ate Vi kung anong pelikula at kung saang produksiyon ito.

Ayon sa actress/public servant, may mga pinag-aralan siyang offer at dalangin niya ay maging maayos na ang takbo ng timetable niya bilang kongresista at matuloy na rin ang paggawa niya ng bagong pelikula.

May nakarating ding impormasyon sa amin na maaaring pasukin na rin daw ni Ate Vi ang pagpo-produce ng pelikula, pero banggit ng orihinal na grandslam actress, may mga dapat pa rin siyang pag-aaralan bago niya balikan ang film production.

Samantala, kung hindi nakadalo sa mga nakaraang awards night si Ate Vi para tanggapin ang kanyang tropeo para sa Everything About Her, maaaring personal daw niyang tanggapin ang parangal sa kanya bilang Film Actress of the Year sa 48th Box Office Entertainment Awards ng GMMSF na idadaos sa Mayo 14 sa Henry Lee Irwin Theatre sa Ateneo de Manila University.

Ang iba pang pararangalan ng GMMSF ay ang nagwaging best actor na si Dingdong Dantes, sina Vice Ganda at Coco Martin ang Phenomenal Stars of the Philippine Cinema, at sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang Box Office King and Queen, at maraming iba pa. (JIMI ESCALA)