Makabubuti ang pagsasamoderno sa maternity leave policy ng bansa, hindi lamang sa sektor ng paggawa, kundi sa mga negosyo rin at sa ekonomiya.

Ito ang iginiit ni Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng Senate women, children, family relations and gender equality committee, sa pagdiriwang ng bansa ng International Labor Day sa Lunes.

“A broad and progressive maternity leave policy is not only favorable to employees but also a good recruitment and retention tool for businesses of all sizes,” sabi ni Hontiveros.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinasa ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala ni Hontiveros na Expanded Maternity Leave Law of 2017 na nagkakaloob sa mga babaeng manggagawa – anuman ang kanilang civil status o legitimacy ng kanilang mga anak— ng 120 araw na maternity leave with pay at opsiyon na palawigin ito ng 30 araw pa nang walang bayad. Pinahihintulutan ng panukalang batas ang 30 araw na bakasyon sa mga ama at alternate caregiver.

Nahuhuli na ang Pilipinas sa ibang bansa sa Asia sa haba ng maternity leave. Kamakailan, itinaas ng India ng mahigit doble ang maternity leave nito para sa kababaihan na nagtatrabaho sa pribadong sektor, mula 12 linggo hanggang 26 na linggo.

“An expanded maternity leave policy is a ‘real win-win solution’ for both workers and employers. It contributes to addressing unemployment and increasing workers’ benefits,’’ punto ni Hontiveros. (Mario Casayuran)