CAMP BADO DANGWA, La Trinidad, Benguet - Isang dating sikat na baskebolista ang inaresto noong Linggo sa Baguio City matapos ireklamo ng pambubugbog ng kanyang live-in partner.

Dinakip si Paul “Bong” Alvarez, 48, retiradong player ng Philippine Basketball Association (PBA) base sa reklamo ni Mary Anne Dungca Ting, 38.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Alvarez at Ting habang nag-iinuman sila sa Ganza Restaurant at Burnham Park, Baguio City.

Humupa ang kanilang pagtatalo at umuwi ang dalawa sa tinitirhang bahay sa Purok Cudirao, Loakan Proper.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Doon ay nag-umpisa na naman silang mag-away, na nauwi sa pambubugbog ni Alvarez kay Ting.

Nagsumbong sa pulisya si Ting at inaresto si Alvarez. (Larry P. Fabian)