Ibinunyag kahapon ng isang kongresista na isang malaking trahedya ang muntik nang nangyari sa North Avenue Station ng Metro Rail Transit (MRT)-3 nitong Abril 18, subalit hindi ito ipinaalam sa publiko ng pangasiwaan ng MRT-3.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Jerico Nograles, hindi ini-report sa publiko ang pagkakakalas ng gearbox ng tren bandang 8:00 ng gabi nitong Martes. Magreresulta ito sa pagkakadiskaril ng tren.

Aniya, inilihim marahil ang insidente upang mapagtakpan ang “negligence and inefficiency of the maintenance provider Busan Universal Rail, Inc. (BURI) and conceal the true state of the MRT-3 system.”

Hindi naman nahalata ng mga pasahero ang problema dahil ligtas ang mga itong pinababa sa North Avenue Station.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

(Bert de Guzman)