Travis at Ronda copy

CONGRATULATIONS, Ronda Rousey!

Engaged na ang 30-anyos na atleta sa kanyang boyfriend sa loob ng dalawang taon at kapwa UFC fighter na si Travis Browne, ulat ng TMZ.

Ayon sa TMZ, nag-propose si Browne, 34, kay Rousey sa ilalim ng talon sa New Zealand, at sinabi sa outlet na, “It felt like the right place to do it.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“We’re getting married,” nakangiting sabi ni Rousey habang ipinapakita ang kumikinang na singsing at inihayag na malapit na rin ang kanilang kasal, ngunit walang “idea what goes into planning a wedding.”

Nakikipag-ugnayan na ang ET sa agent ni Rousey upang makahingi ng komento tungkol dito.

Nitong Enero, pumutok ang engagement rumor ni Rousey nang makita siyang may suot na singsing sa Saturday Night Live.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong Oktubre 2015.

“Ronda and I started talking throughout the summer, and I’ll say now that we are together,” saad ni Browne sa panayam ng MMA Hour. “She’s my woman and I’m her man. There’s no boyfriend, girlfriend stuff. There’s no dating. We’re together.” (ET Online)