Sabay dinakma ng mga tauhan ng Philippine National Police—Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang dalawang lalaki sa kanilang pagsalakay sa sinasabing cybersex den sa Barangay Longos, Malabon City kahapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Edison Manoso, alyas “Cristine” at Marvin Acaba, alyas “Tanya”, kapwa hinihinalang operator ng cybersex den.

Nahuli sa akto si Manoso na nakikipag-usap sa isang nagpanggap na customer sa cybersex show na isinasagawa sa ikatlong palapag ng isang gusali sa nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, modus operandi ng mga suspek ang pagpapalabas ng malalaswang ginagawa ng mga babae, sa pamamagitan ng computer, kapalit ng malalaking halaga.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nakumpiska sa pinangyarihan ang iba’t ibang uri ng sex toy at estrogen pills. Kinuha rin ang tatlong computer at iba pang digital equipment at mga larawan ng mga babaeng nakahubot hubad.

“Nagso-show sila doon, eh. Nagpapakita sila ng mga lascivious acts, ‘yung mga gano’n, obscene shows.” sabi ni Miranda.

Ayon pa sa PNP-ACG, kumikita ng P30,000 hanggang P60,000 ang bawat model.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10175 at Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga suspek. (Fer Taboy)