Mga Laro Ngayon

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- DLSU vs UST (Men)

4 n.g. -- ADMU vs FEU (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6:30 n.g. -- UP vs NU (Men)

SASABAK ang University of Santo Tomas at Far Eastern University – kapwa may puwesto na sa Final Four – sa magkahiwalay na laro sa pagtatapos ng elimination round ng UAAP Season 79 men’s football ngayon sa Moro Lorenzo Field.

Haharapin ng Growling Tigers ang De La Salle Archers ganap na 2:00 ng hapon, habang mapapalaban ang Tamaraws kontra league leader Ateneo sa 4:00 ng hapon.

Magkakasubukan naman ang defending champion University of the Philippines at National University sa 6:30 ng gabi.

Nangunguna ang Blue Eagles at Fighting Maroons na may 32 at 28 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Pag-aagawan naman ng FEU at UST ang No.3 at No.4 spot.

Kumabig ang Growling Tigers sa 20 puntos matapos magwagi sa Tamaraws, 2-1, noong Abril 9.

“Yung puso ng UST, they never give up para lang manalo,” sambit ni Tigers coach Marjo Allado.