BUKAS na pagtanggap ng lahok para sa 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby na nakatakda sa Mayo 14-20 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Inaasahan ng organizers na sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea ang pagsabak ng 200 entry sa pandaigdigang labanan na inaasistehan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang makasaysayang labanan ng mga tinale ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Maliba sa P15M na garantisadong premyo, isang bagong Strada GL 4x2 M/T pick-up truck ang makakamit ng handler ng magkakampiyon na lahok. Ang entry fee ay P88,000, samantalang ang minimum bet ay P55,000.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Lahat ng kalahok ay bibigyan ng libreng hotel room at parking slot sa mga araw ng laban at commemorative trophy na desenyo ni Castrillo mula naman sa Thunderbird Bexan XP.

Ang 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ay magsisimula sa Linggo -Mayo 14 para sa unang set ng 2-cock elims at susundan ng isa pang 2-cock elims sa Lunes – Mayo 15.

Ang unang 3-cock semis ay sa Mayo 16 (0-2 puntos) at sa Mayo 17 – para sa second set (0-2 puntos).

Ang 4-cock finals para sa mga entries na umiskor ng 2, 2.5, 3 o 3.5 matapos ang semis ay sa Biyernes - Mayo 19.

Samantala ang 4-cock grand finals para sa may mga puntos 4, 4.5 & 5 ay sa Sabado Mayo 20, kung kalian magkakaalaman kung sino ang tatanghaling kampeon.

Para sa mga detalye at cockhouse reservations, maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Kate Villalon – 09278419979.