PATUNAY si Judy Ann Santos-Agoncillo na kayang-kaya maglaan ng oras para sa pamilya sa kabila ng busy schedule, kaya nakareserba ang Biyernes ng gabi para sa family TV time.
“Magkasama kaming nanonood ng TV lalo na tuwing Biyernes ng gabi dahil walang pasok ang mga bata sa susunod na araw at wala rin silang tutorials. Pinapayagan din namin silang matulog ng medyo late at panoorin ang gusto nilang shows basta lagi dapat kaming kasama ni Ryan,” ani ng bagong SKYdirect ambassador.
Para kay Juday, malaki ang papel ng panonood ng TV sa pagpapatibay ng relasyon ng pamilya. Ibinagi rin ni Juday na sinisikap nila ni Ryan na sagutin ang mga tanong ng kanilang mga anak ng tapat at tama tuwing nanonood sila ng TV.
“Very open ang mga bata sa pagtatanong sa amin tuwing nanonood kami ng TV. ‘Pag may nakikita sila na hindi nila maintindihan, nagtatanong sila at bilang magulang, sinasagot namin ng tapat at tama sila. Gusto namin na nagtatanong sila sa amin ni Ryan dahil mas nagiging tapat at open sila at nalalaman namin ang kanilang mga interests para alam din namin kung anong programa ang ihihikayat namin sa mga bata,” dagdag ni Juday.
Tagalog shows ang ilan sa mga hinihikayat ni Juday na panoorin ng kanyang mga anak lalo na ang educational shows tulad ng Matanglawin para mas mahasa pa ang pagtatagalog ng kanyang mga anak.
Umeere ang Matanglawin sa ABS-CBN HD sa SKYdirect, ang direct-to-home TV (satellite antenna) ng SKY Cable na siya namang cable at broadband company ng ABS-CBN na siksik sa exclusive shows at channels para sa pamilya.
Matutunghayan din sa SKYdirect ang mga palabas na tampok ang news, sports, lifestyle, cartoons, at mga pelikula na pasok sa panlasa ng bawat miyembro ng pamilya.
Layunin ng SKYdirect na mas maraming Pilipino ang makapanood ng TV shows na siksik sa aliw at kaalaman nationwide lalo na sa areas na hindi abot ng cable.
Bukod sa ABS-CBN HD, available din sa SKYdirect prepaid at postpaid plans ang exclusive channels tulad ng S+A HD, ABS-CBN Regional, ANC, Cinema One, MYX, Lifestyle, Jeepney TV, DZMM TeleRadyo, at TMC.
May top-rating channels din ang SKYdirect plans tulad ng Cartoon Network, HBO, Disney, Nickelodeon, FOX, Warner, RTL-CBS, TLC, AXN, at History.
Mas pinamura pa ang SKYdirect satellite antenna kits dahil available nalang ito sa presyong P2,699 mula sa original price nitong P2,990. Makakapili din ang pamilya ng prepaid plans mula Plan 99, Plan 250, at Plan 450, samantala available sa postpaid plans ang Plan 250 at Plan 450.
Para naman sa existing direct-to-home (satellite antenna) subscribers ng ibang brands, mas pasok na sa budget ang paglipat sa SKYdirect dahil sa kanilang promo.
Sa mga gustong kumuha ng SKYdirect prepaid, libre na ang installation cost pati ang unang dalawang buwan ng Plan 250 o 450, at P999 nalang ang box price.
Para sa SKYdirect postpaid, libre rin ang installation fee na may libreng two months sa piniling plan at mas mura nalang ang box price (P999 para sa Plan 250 at P499 para sa Plan 450).
Hanggang June 19 ang nasabing SKYdirect promo. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa mysky.com.ph.
SKY Cable ang unang nagpakilala ng cable TV sa mga Pilipino noong 1990. Simula noon, nangunguna na ang SKY Cable sa larangan ng teknolohiya at cable TV. Bukod sa SKYdirect, handog din ng SKY Cable ang One SKY Premium (unlimited internet all-in bundles), One SKY Lite (consumable internet all-in bundles), SKYmobi (mobile internet), at SKY On Demand (video-on-demand).