NASUGBU, Batangas - Patay ang isang foreman matapos umanong pagbabarilin habang natutulog sa kanilang barracks sa Nasugbu, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Ronald Aquino, 41, taga-Alaminos, Laguna, habang nakatakas naman ang suspek na si Andres Barcelon, 53, steel man, at residente ng Barangay Pantalan, Nasugbu.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) dakong 12:10 ng tanghali nitong Linggo nang dumating si Barcelon sa construction site sa Bgy. Pantalan at hinanap ang biktima.

Binaril umano ng suspek si Aquino habang natutulog ang huli sa duyan.

Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen habang pinaghahanap na ang suspek. (Lyka Manalo)