SENTRO ng talakayan ang 'Clash of Heroes' sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Golden Phoenix Hotel sa Diosdado Macapagal Ave Sunrise Drive sa Pasay City.

Pangungunahan nina Larong Volleyball ng Pilipinas Inc (LVPI) official Peter Cayco at Joey Romasanta ang mga panauhin kasama sina national coach Francis Vicente at Sammy Acaylar para ipaliwanag ang paghahanda para sa torneo na nakatakda sa April 28 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Panauhin din sa programa na itinataguyod ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel, at Philippine Amusement and Gaming Corp sina director Cesar Marquez at world gymkhana champ Milo Rivera, gayundin ang mga opisyal ng Sta. Rosa de Lima Parish Summer Invitational Cup, sa pangunguna ni dating PBA chairman at Sta. Lucia team manager Buddy Encarnado.

Magsisimula ang programa ganap na 10:30 ng umaga at mapapakinggan ng live sa DZSR Sports Radio 918

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA