Napatay ang isang lalaki na umano’y miyembro ng gun-for-hire syndicate habang nakatakas naman ang tatlo nitong kasama sa shootout sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Kevin Michael Tibar, 35, ng BGA Compound Navotas Fish Port, Navotas City, sanhi ng mga tama ng bala ng iba’t ibang kalibre ng baril sa katawan.

Sa report kay Police Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, nakatanggap sila ng impormasyon na nakikipag-inuman ang suspek sa BGA Compound.

Bandang 8:20 ng umaga, kasama ang Maritime Police, nilusob ng mga tauhan ng Navotas police ang kinaroroonan ng mga suspek, ngunit hindi pa man sila nakalalapit ay may nagtimbre na sa grupo na may mga pulis na paparating.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis dahilan upang gumanti ang huli na ikinabulagta ni Tibar.

Narekober kay Tibar ang cal. 9mm pistol at 13 plastic sachet ng shabu. (Orly L. Barcala)