STO. TOMAS, Batangas - Dobleng bundol ang inabot ng isang 18-anyos na babae nang masagasaan ng isang van at isang truck habang dalawa pang tao ang nasugatan sa aksidente sa Sto. Tomas, Batangas, kahapon.

Dead on arrival sa St. Frances Cabrini Hospital si Princess Donato, estudyante at residente ng Los Baños, Laguna.

Nilalapatan pa ng lunas sina Jammiel Corpuz, 18; at Greg Marcus, 19, kapwa taga-Calamba City, Laguna.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:50 ng umaga at tumatawid ang mga biktima sa Maharlika Highway sa Barangay San Antonio, nang mabundol sila ng Toyota Hi-Ace van na patungong San Pablo City.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Tumilapon umano sa kabilang lane si Donato kaya muling nabundol ng parating na Isuzu Wing Van truck (RNL-786). (Lyka Manalo)