Bea at Gerald copy

AYON sa isang ABS-CBN insider, sa mga nakikita niyang ikinikilos nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, walang duda na itinatago lang ng dalawa ang panunumbalik ng kanilang relasyon.

Kahit walang kumpirmasyon na nangagaling kina Bea at Gerald, hindi na nila puwedeng ipagkaila ang espesyal nilang turingan sa isa’t isa. 

Sabi pa ng source, muling naging kulay rosas ang paligid nina Gerald at Bea pagkatapos nilang gawin ang blockbuster movie nilang How To Be Yours na idinirihe ni Dan Villegas.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Madalas daw niyang nakikitang magkasama sina Gerald at Bea lalo na sa mga espesyal na okasyon at sa events na sila ang nire-request ng mga tao, kagaya ng International Balloon Festival na ginanap sa Lubao, Pampanga. 

Kitang-kita raw niya sa mga ikinikilos nina Bea at Gerald tuwing magkasama na walang dudang may “something” na uli ang dalawang Kapamilya stars.

Naging lihim na magkasintahan na noong 2010 sina Bea at Gerald pero nauwi sa hiwalayan nang malaman ng fans. Mahigpit na tumutol ang fans ng love team nina Gerald at Kim Chiu. 

Pero ngayon ay mukhang wala nang magagawa ang Kimerald fans kung sakaling isapubliko na nina Bea at Gerald ang itinatagong relasyon. (JIMI ESCALA)