May pagkakataon ang mga standout players na maging kinatawan ng Pilipinas para sa Asian level sa darating na Under Armour 3×3 Southeast Asia 2017 tournament ngayong buwan.

Bukod sa mga nakalaang salaping papremyo para sa Under 18 division, may mga nakataya ring slots para sa darating na FIBA 3×3 U18 Asia Cup na idaraos sa Mayo 16-18 sa Malaysia kung saan kalahok ang iba’t ibang national teams mula sa Asia.

Bukas ang torneo para sa kalalakihan at kababaihang manlalaro para sa dalawang kategorya, ang Uunder-18 at ang Open, na kamakailan lamang idinagdag.

Nakatakda ang elimination round sa Cebu sa Abril 22-23 habang gaganapin naman ang Manila leg sa April 22-30 sa Bonifacio Global City. Ang deadline para sa rehistrasyon ay bukas-Abril 17.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Lahat ng kalahok ay pagkakalooban ng libreng Under Armour gear.