Kalaboso ang isang kilabot na suspek sa kidnap-for-ransom makaraang maaresto ng militar habang patungo sa bayan ng General Salipada K. Pendatun sa Maguindanao, sinabi ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ng General Salipada K. Pendatun Municipal Police, naaresto si Ugalinan Adam, 44; at 16-anyos niyang anak na lalaki sa checkpoint sa Barangay Badak sa General SK Pendatun.

Kinumpirma ito ni 33rd Infantry Battalion commanding Lt. Col. Harold Cabunoc, sinabing nakuha rin mula kay Adam ang dalawang garand rifle na isinilid nito sa sako.

Sinasabing si Adam ang pangunahing suspek sa pagdukot kay Pipao Ang sa Mlang, North Cotabato noong gobernador pa ng probinsiya si ngayon ay Agriculture Secretary Manny Piñol. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog