Magbabalik sa pagiging coach ang beteranong mentor na si Koy Banal bilang headcoach ng bagong koponang Marinong Pilipino sa darating na PBA D League Foundation Cup na idaraos sa susunod na buwan.

Nagsimula nang magpa-ensyo si Banal para sa Marinong Filipino bilang paghahanda nila sa D-League second conference.

Dating champion coach sa collegiate ranks si Banal matapos magwagi ng titulo bilng coach ng Far Eastern University sa UAAP at ng San Bed College sa NCAA.

Huli niyang hinawakan bilang coach ang Barako Bull na ngayo’y Phoenix Squad sa PBA bago siya pinalitan ni coach Ariel Vanguardia.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Si Banal ang ikalawang beteranong coach na nagbabalik sa aksiyon kasunod ni dating National University coach Eric Altamirano na siya ring gagabay sa isang bagong koponan sa D-league ang Flying V Thunder.