Tuluyang nalagutan ng hininga ang isang 8-taong gulang na lalaki makaraang malunod sa swimming pool sa isang resort sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kalunus-lunos ang Mahal na Araw ng pamilya ni John Michael Buquis, Grade 2 pupil, na hindi nakaligtas sa pagkalunod sa isang adult pool sa loob ng Remedios Garden Resort sa Katipunan Avenue sa Barangay San Bartolome, Novaliches.

Ayon sa pulisya, nagdesisyon ang pamilya ng biktima, pawang residente ng Goodwill Homes Subdivision sa nasabing barangay, na mag-overnight swimming kamakalawa.

Ayon sa lola ng biktima, si Juliana Buquis, iniwan niya si John Michael na maglaro sa two-feet swimming pool, dakong 9:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang minuto, narinig nilang nagkakagulo ang mga tao sa pool.

Nakita ni Juliana na hindi na gumagalaw ang kanyang apo nang sagipin mula sa olympic pool. Ang five-feet-deep pool ng mga adult ay katabi lamang ng kiddie pool, ayon sa pulis.

Ayon kay Juliana, isinugod pa nila si John Michael sa Novaliches District Hospital ngunit idineklara itong patay dakong 9:30 ng gabi. (VANNE ELAINE P. TERRAZOLA)