DALLAS (AP) – Hindi pa tapos ang basketball career ni Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki. At tunay na hindi pa siya handa para isabit ang kanyang jersey.

Naniniwala ang German superstar na kaya pa niyang sumabay sa laban kahit mahigit maging liyebo 40.

Former Dallas Cowboys quarterback Tony Romo, left, and Dallas Mavericks' Dirk Nowitzki (41) of Germany warm up before an NBA basketball game against the Denver Nuggets in Dallas, Tuesday, April 11, 2017. (AP Photo/Tony Gutierrez)
Nowitzki
Iginiit ni Nowitzki,39, na plano niyang tapusin ang nalalabing dalawang taon sa kontratang nilagdaan sa koponan na ginabayan niya sa tanging kampeonato noong 2010.

“Definitely playing next year,” pahayag ni Nowitzki sa panayam matapos ang regular-season.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naitala ni Nowitzki ang averaged 14.2 puntos sa 54 laro ngayong season, pinakamababa sa kanyang career mula sa panahon ng kanyang rookie season noong 1998-99 sa naitalang 8.2 puntos kada laro.

“If I feel like I did at the end, I think I can play another one after that,” sambit ng one-time MVP at 12-time All-Star.

“I will just leave all that open. When I signed on for two more years last summer, that was the plan.”

Nitong season, nakuha ni Nowitzki ang No.6 sa all-time scoring list sa kasaysayan ng NBA na nakalagpas sa 30,000 puntos nitong Marso. Tangan niya ang kabuuang 30,260 points. Ngunit, bigo ang Mavericks na makausad sa playoff sa 33-49 record.