HINDI pa rin sinasagot ni Direk Joey Reyes ang tanong ng followers niya sa social media kung bakit may picture sila ni Maxine Medina na magkasama.

Ang caption ni Direk Joey sa picture, “So I met someone and I’m not going to tell why. Not just yet. He he he.! #choosehappy.”

Ang hula ng mga nakakita ng post ni Direk Joey, siya ang director ng gagawing pelikula ni Maxine.

Nabanggit ni Jonas Gaffud, manager ng dalaga, na may three movie offers kay Maxine at baka isa sa pelikulang gagawin ay si Direk Joey ang director.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Hintayin natin kung saang film company gagawa ng mga pelikula si Maxine at kung saang network siya may offer na teleserye. Ibig sabihin lang nito, papasok na talaga sa showbiz si Maxine. (Nitz Miralles)