LOTLOT DARWIN MIGUEL AT SEBASTIAN copy

KASAMA kami sa magpo-promote at magdadasal na marami ang manood ng pelikulang 1st Sem na showing sa April 26 dahil deserving itong mapanood ng bigger audience.

Dasal din naming kumita nang malaki ang movie para makagawa pa ng mas magagandang pelikula ang director na sina Allan Michael Ibañez at Dexter Paglinawan Hemedez.

Malinaw at maayos ang pagkakahabi sa 1st Sem, buo ang script at alam kung saan patutungo ang istorya. Nakadagdag pa sa ikinaganda ng pelikula ang mahusay na acting ng cast mula kay Lotlot de Leon at sa mga gumaganap na anak niyang sina Darwin Yu, Miguel Bagtas at Sebastian Vargas at si Allan Paule bilang kapatid ni Precy (Lotlot). Para talaga silang isang pamilya.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Sabi nina Direk Allan at Dexter, gusto nilang mapanood ang pelikula lalo na ng mga nanay, especially the single moms, para magkaroon sila ng insights at tips kung paano i-handle ang mga anak mag-isa lalo na kung puro lalaki.

Napakahusay ni Lotlot sa 1st Sem at ‘di nakakagulat na nabigyan siya ng Special Acting Citation award sa All Lights India International Film Festival.

Sa April 24, lilipad sina Lotlot at Direk Allan papuntang Houston, Texas para dumalo sa Worldfest Houston International Film Festival. Contender doon ang kanilang pelikula. Ipagdasal nating manalo uli ang pelikula at si Lotlot. (Nitz Miralles)