NEW YORK (AP) – Ipinahayag ng New York Knicks management na mananatili si Phil Jackson bilang team president sa susunod na dalawang taon na siyang nakasaad sa kontratang nilagdaan ng all-time coaching great.

New York Knicks president Phil Jackson (AP Photo/Frank Franklin II)
New York Knicks president Phil Jackson (AP Photo/Frank Franklin II)
May kapangyarihan ang management na tapusin ang kontrata ni Jackson, 71, ngunit, sinabi ni Knicks owner James Dolan na malakas ang panawagan ng publiko para sa pananatili ni Jackson sa koponan.

Natiyak ang desisyon sa kabila ng isa pang nakadidismayang season ng Knick na nagtapos sa 31-51. Ito ang ikatlong sunod na taon, sa pangangasiwa ni Jackson, na nabigo ang Knicks na makausad sa playoffs.

Sa lideraro ni Jackson, tumatanggap ng US$12 milyon suweldo kada taon, bagsak ang Knicks sa 80-166.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Itinuturing pinamatagumpay na coach si Jackson sa kasaysayan ng NBA. Pinangunahan niya ang Michael Jordan-inspired Chicago Bulls sa anim na NBA championships mula 1989 hanggang 1998. Sa Los Angeles, ginabayan niya ang Lakers sa limang kampeonato (2000-2010).

Nagretiro siya bilang coach noong 2011 bago sumapi sa Knicks bilang executive noong 2014.

Nagawang makapasok sa playoffs ng New York sa 14 na sunod na season (1988- 2001), bago nabigo na makaabot sa postseason sa 12 sa loob ng 16 na season.