Bilang paghahanda sa nalalapit na 30th Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit, 38 katao ang inaresto sa ikinasang ‘One Time, Big Time’ operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Port Area, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Emerey Abating, hepe ng MPD-Station 5, bandang 7:40 ng gabi inilunsad ang operasyon sa Barangay 650 ng Port Area.

Nang beripikahin ang record, napag-alaman na lima sa kanila ang nasa drug watch list na minsan nang sumuko habang ang 32 iba pa ay pawang kasusuko lamang.

Kabilang din sa naaresto si Rudy Bansuan na may nakabimbing warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling). (Mary Ann Santiago)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University