CAPAS, Tarlac - Naging positibo ang buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Capas Police at nalambat ang isang hinihinalang drug pusher sa Barangay Lawy, Capas, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa superbisyon ni Chief Insp. Francis Blanca Macadia, naaresto si John Danielle Cayabyab, 21, binata, ng Sitio Lote, Bgy. Lawy.

Nakumpiska mula kay Cayabyab ang dalawang transparent plastic sachet na may hindi pa tiyak na gramo ng shabu at P500 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog