Pope Francis washes the feet of some inmates of the Paliano detention center, south of Rome. (L'Osservatore Romano/Pool Photo via AP)VATICAN CITY (AP) – Hinugasan ni Pope Francis ang paa ng 12 preso nitong Huwebes Santo sa ritwal bago ang Linggo ng Pagkabuhay upang ipakita ang kahandaan niyang maglingkod sa pinakamaliliit sa lipunan at bigyan sila ng pag-asa. Hinimok ni Francis ang mga bilanggo na tulungan ang isa’t isa para makalaya at maging “servant of others.”

Nagtungo si Francis sa Paliano detention center sa katimugan ng Rome upang ipagdiwang ang Misa sa Huwebes Santo sa natatanging piitan sa Italy para lamang sa mga tumalikod sa mafia.

Dalawa sa 12 preso na kasama sa seremonya ng paghuhugas ng paa ay nagsisilbi ng habambuhay na pagkakabilanggo. Ang 10 iba pa ay nakatakdang palayain sa 2019 hanggang 2073. Binisita rin ni Francis ang dalawa pang preso na nasa bartolina.

Sa kanyang sermon, pinaalalahanan ni Francis ang mga preso na ang paghugas niya ng kanilang mga paa ay pagsasadula sa ginawa ni Kristo sa kanyang mga disipulo bago siya ipinako sa krus. Ginawa nito ang trabaho ng isang alipin upang ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanila.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“If you can do something, a service for your companions in prison, do it,’’ himok ni Francis sa kanila sa kanyang sermon. “This is love. This is like washing feet: to be the servant of others.”