RIYADH, Kingdom of Saudi Arabia — Sa unang pagkakataon simula nang maupo siya sa puwesto, pinutol nI Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang talumpati at sinagot ang mga katanungan ng Filipino community dito, Miyerkules ng gabi (oras sa KSA).

Ito ay matapos agawin ng ilang Pinoy ang atensiyon ng Pangulo habang siya ay nagtatalumpati at isinigaw ang kanilang mga sentimiyento.

“If you want some questions answered, I am ready. You can take the floor and let’s have a short time for an open forum,” anang Pangulo, na tila hindi matanggihan ang mga Pinoy sa kaharian na aniya ay nagbigay sa kanya ng “warmest of warm” na pagsalubong.

Ang unang tanong na ibinato kay Duterte ay tungkol sa Department of Overseas Filipino Workers (DoFW). Sumang-ayon ang Pangulo na dapat magkaroon ng hiwalay na ahensiya na tutugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

‘Yang OFW was being discussed by me. OFW would be separate from the Department of Labor. It’s coming. But it would be in Congress,” aniya.

Sinagot din ni Duterte ang kawalan ng Philippine ambassador sa Kingdom of Saudi Arabia at inihayag na may mga ikinokonsidera na, kabilang si Charge D’Affaires Imelda Panolong.

Ipinahayag din ng mga OFW ang pagnanais na magkaroon ang Pilipinas ng national identification system gaya sa Saudi Arabia. Ayon kay Duterte, tinatrabaho na ito ng gobyerno. (Argyll Cyrus B. Geducos)