Charlie copy

PUMANAW na ang komedyanteng si Charlie Murphy, 57, nakatatandang kapatid ni Eddie Murphy at naging bahagi ni Chappelle’s Show, kinumpirma ng ET.

Ang manager ni Murphy ang nagbigay ng pahayag sa ET na pumanaw na ang komedyante nitong Miyerkules ng umaga sa New York Presbyterian Hospital dahil sa leukemia. Hindi inaasahan ang kanyang pagpanaw.

Nitong Miyerkules, naglabas ng pahayag ang pamilya Murphy, at nagpasalamat sa suporta ng fans.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Our hearts are heavy with the loss today of our son, brother, father, uncle and friend Charlie,” ayon sa pahayag.

“Charlie filled our family with love and laughter and there won’t be a day that goes by that his presence will not be missed. Thank you for the outpouring of condolences and prayers. We respectfully ask for privacy during this time of great loss for all of us.”

Nag-tour kamakailan si Murphy kasama sina Cedric the Entertainer, Eddie Griffin, George Lopez at D.L. Hughley at pinamagatan itong The Comedy Get Down tour. Bukod sa pagsusulat ng ilang pelikula ni Eddie Murphy, kabilang ang Norbit, nakakilala rin siya sa kanyang mga sketch sa Chappelle’s Show ng Comedy Central.

Mayroon siyang dalawang anak sa kanyang yumaong asawa na si Tisha Taylor Murphy, na namatay noong 2009 dahil sa cervical cancer. Mayroon din siyang anak mula sa dati niyang nakarelasyon.

Ilang kapwa komedyante ni Murphy ang nag-post sa social media ng pagkalungkot sa balita kabilang sina Kevin Hart, Mike Epps, at George Lopez. (ET Online)