LAS VEGAS – Malalagpasan ng duwelong Canelo at Chavez Jr. ang tiket record sale ng Pacquiao vs Mayweather, Jr.

Ipinahayag ng Golden Boy Promotion na sold out na ang tiket para sa Cinco de Mayo title bout sa pagitan nina two-division world champion Canelo Alvarez (48-1-1, 34 KOs) at dating WBC World Middleweight Champion Julio Cesar Chavez, Jr. (50-2-1, 32 KOs) sa Mayo 6.

Para mapagbigyan ang mga tagahanga, nagdagdag ng viewing location ang MGM Grand Ballroom tulad ng Liberty Loft sa New York-New York Hotel & Casino at The Still sa The Mirage Hotel & Casino.

Mabibili ng ticket para sa closed circuit telecast ng Canelo vs Chavez, Jr. sa US$75. Nagsimulang magbentahe ng tiket para sa general admission at karagdagang ticket noong Marso 12.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!