GAPAN CITY - Isa umanong kilabot na drug pusher ang napatay makaraang manlaban sa pinagsanib na operatiba ng Gapan Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa buy-bust operation sa lungsod, nitong Martes.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at dibdib si Jessie Lagman, binata, ng Barangay Mangino, Gapan.

Si Lagman ay sinasabing kilabot na tulak sa siyudad, at kabilang sa mga target ng pulisya.

Naaresto naman ang kasamahan ni Lagman na si Jerome Elpedes, 26, binata, ng Bgy. Mangino, Gapan City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Light A. Nolasco)