SA unang pagkakataon, sasabak ang national women's football team sa AFC Women’s Asian Cup -- ang FIFA Women’s World Cup qualifier.

Matapos ang tatlong malaking panalo, sapat na ang pagtatapos sa draw ng Pinay booters kontra Bahrain nitong Lunes ng gabi sa larong idinaos sa Pamir Stadium sa Dushanbe, Tajikistan.

Naipuwersa ng Nationals ang 1-1 draw para makamit ang asam na slot sa torneong idaraos sa Jordan sa susunod na taon.

Naunang umiskor ang Bahrain sa pamamagitan ni forward Noora SamiI Al-Dossary bago naitabla ni Sara Castañeda para bigyang katuparan ang asam nilang mag-qualify s AFC Cup.

#BALITAnaw: Ang makasaysayang tagumpay ng 'Team Pilipinas' ngayong 2024

Naipasok ng Bahrain ang unang goal ng laro matapos makalusot si Aldossary sa Pinay goalie na si Inna Palacios sa ika-56 minuto.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang Nationals hanggang maitabla nila ang laro sa tulong ng Fil-Am forward na si Madarang na umasiste kay Castañeda para sa goal ng Pilipinas sa ika-82 minuto.

Kasama ng Philippine Women's football squad sa AFC women's Asian Cup final round ang hosts Jordan, Japan, Australia, China at Thailand sa Abril 2018 habang may dalawa pang slots na pinaglalabanan ng mga bansang nasa Group B at D.

(Marivic Awitan)