Sa kabila ng pag-aayuno at hindi pagkain ng karne ng baboy at manok ng mga Katoliko sa tuwing Semana Santa, patuloy ang pagtaas ng presyo nito sa mga palengke.
Sa pag-iikot ng may-akda sa mga pamilihan sa Caloocan-Malabon- Navotas at Valenzuela, nasa P210 hanggang P220 ang presyo ng baboy mula sa dating P170 kada kilo, habang ang presyo ng manok ay nasa P150-P160 mula sa dating P135/kilo.
Katwiran ng mga tindera, mataas ang presyo sa inaangkatan nilang palengke gaya ng Balintawak at Nepa Q- Mart, na bagsakan ng mga karne. (Orly L. Barcala)