Sinibak sa puwesto ang isang hepe ng pulisya at walo niyang tauhan makaraang hindi ikulong ang team mate ng mga ito sa basketball na naaresto sa buy-bust operation sa bayan ng Balasan sa Iloilo.

Sinabi ni Chief Insp. Aaron Palomo, tagapagsalita ng Iloilo Police Provincial Office, na sinibak sa puwesto si Senior Insp. Jerry Leones, hepe ng Balasan Municipal Police, at ang mga tauhan nitong sina PO3 Reynaldo Garcia, PO2 Wincer John Tives, SPO3 Marcelino Labus, PO3 Guatche, PO2 Jugie Mianie, PO3 Dato, PO2 Marlon Fuentes, at PO3 Lemuel Mosqueda.

Pinalitan ni Senior Insp. Orlando Panela si Leones, ayon kay Palomo.

Sinibak ang siyam na pulis matapos na hindi ikulong ang basketball team mate nilang si Kenneth Tiope, na nadakip nitong Linggo sa buy-bust ng Provincial Drug Enforcement Unit 3 sa Barangay Camambugan sa Balasan. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog