PANIQUI, Tarlac - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang 20-anyos na lalaki na pinaghahataw ng dos-por-dos sa ulo ng kanyang kapitbahay sa Barangay Samput, Paniqui, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.

Nagamot pa sa Paniqui General Hospital si Jimmy Esquivel ngunit binawian ng buhay makaraang iuwi sa bahay.

Naaresto naman si Jonathan Darang, 27, ng Bgy. Samput, Paniqui.

Ayon sa report, dakong 3:30 ng hapon at lasing na lasing umanong nagsisisigaw si Esquivel na ikinairita ng noon ay natutulog na si Darang. Kumuha ng dos-por-dos ang suspek, nilabas ang biktima at pinagpapalo sa ulo.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

(Leandro Alborote)