SIMULA April 17, reresbak na ang mga kinakaliwang misis sa sexy dramedy series ng GMA-7 na D’ Originals.

Ang D’ Originals ang latest Afternoon Prime offering ng Kapuso Network tungkol sa kuwento ng tatlong misis at ng mga babaeng mambubulabog sa kanilang dating tahimik na buhay.

Pinangungunahan ni Jaclyn Jose, kabilang din sa mga bidang misis sina LJ Reyes at Kim Domingo.

Kasama rin sa sexy dramedy series na ito sina Katrina Halili, Jestoni Alarcon, Mark Herras, Meg Imperial, Archie Alemania, at Lovely Abella.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa serye, gagampanan ni Jaclyn ang domestic diva na si Josie, na ang galing sa kusina ay tila matatapatan ng kanyang karibal na gagampanan ni Katrina. Gaganap bilang asawa ni Jaclyn si Jestoni, ang dating loyal na mister na matutukso at magkakaroon ng affair sa karakter ni Katrina.

Madiskarte naman sa buhay ang karakter ni LJ na si Marge. Mapipilitan siyang maging breadwinner ng pamilya nang mawalan ng trabaho ang asawang gagampanan ni Mark. Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang nasa bahay at naghihintay ng break, magiging malapit ang esposo sa ate ni Marge na gagampanan ni Lovely.

Samantala, seksing Zumba instructor ang role ni Kim na si Sofia. Sanay man sa pambababae ng asawang gagampanan ni Archie, hindi kakayanin ni Kim ang latest woman sa buhay ng mister. At mukhang lalala pa ang lahat sa revelation ng other woman na gagampanan ni Meg. Kayanin kaya ng karakter ni Kim ang pasabog ng kabit?

Ang D’ Originals ay mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. Kasama rin sa cast sina Mikoy Morales, Arny Ross, Elyson de Dios, at Chlaui Malayao.

Simula na ng harapan ng mga orig at ng mga kabit sa seryeng hindi lamang puno ng hugot kundi siksik din sa katatawanan. Huwag palampasin ang D’ Originals simula April 17 sa GMA Afternoon Prime.